Are Medrep's babaero?


Babaero nga ba ang mga Medreps? Tanong ng mga ilang babae na may manliligaw na Medrep. Teka, let's try to see it from their point of view:

Ayan kasi, padating si kuya Medrep, pababa ng kanyang magandang kotse. At aba! Naka necktie pa. Pag pasok sa pinto ng Starbucks, maamoy mo na mamahalin ang pabango. Upon closer inspection, may magarang relos and may alahas. Pansin mo din yung mga ibang tao sa Starbucks, tumitingin sa kanya. Then, lalapit sa iyo, "San mo gusto mag date?"


Look, hindi porke't Medrep, babaero na. Kahit sinong lalaki puwedeng maging babaero, at kahit sino ding lalaki, puwedeng maging loyal. Yun nga lang, mas may confidence sa sarili si kuya Medrep. Ang payo ko sa inyo ate Girls, huwag nyo muna ibibigay ang inyong matamis na... oo.

Observe-observe muna. Give it time. Pahirapan nyo. Kasi if patient siya, he will stay. And i-verbalize mo yung condition na yan sa kanya. Okay?