Yup, in today's setting, malaking bagay ang "chika". Let's say na yung 10% detailing is the actual "selling" part or detailing, where you probe about the doctor's needs, do some benefit selling, and finally close. But yung chika part ay malalim.
It takes skills and a lot of hardwork to master the art of chika. Chika is the sum total of your personality, social awareness, and general information. Kahit super talino ka pero wala ka namang personality, hindi mo magagamit yan sa realworld setting. Ang mga batikan na reps, kahit hindi mahilig sa pusa, as long as yun ang trigger ng doctor, mag re-research yan and once na nakausap si Doc, parang expert sa pusa si Medrep. Gets mo?
Kung mga inferior medicines nga can be prescribed, kasi "mabait" si Medrep and "masaya" pag andyan siya. What if you have the right product, and you are the right Medrep for the job, mas malaking chance na ma prescribe ang product mo.
When I was a Medrep, I had to go out of my way to understand golf and Formula 1 racing, because that was the two topic ang hilig ng magkakabarkadaing doctor na target ko. Research ginawa ko, mga bes! Aside from Google, I watched games and races on TV. I also bought my own Golf clubs and watched races in Subic!
In conclusion, pag pupunta ka sa clinic ni Doc, madami ka dapat baon na Chika. Hindi lang product knowledge. Kasi ang product knowledge, hindi masyadong nagbabago yan, pero ang Chika, may weekly updates.